HUDYAT ng Bagong Simula, Puno ng Pag-asa
Narito na ang HUDYAT ng bagong simula, puno ng pag-asa!
Noong Agosto 1, 2023, ang mga piling miyembro ng Educative Pastoral Community (EPC) ng Don Bosco Technical College (DBTC) Mandaluyong ay malugod na nagtipon para sa pormal na paglulunsad ng bagong Taong Panuruan 2023–2024.
Noong ika-4 ng hapon, pinangunahan ng Arsobispo ng Maynila, ang Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula DD, ang pagdiriwang ng Santa Misa ng Banal na Espiritu sa loob ng Kapilya ni San Juan Bosco.
Susundan ito ng Maringal na Programa sa ganap na ika-5:30 ng hapon. Dito inilahad ni Reb. Padre Ronilo Javines SDB, ang Rektor at Presidente ng DBTC, ang bagong "Vision-Mission Statement" ng DBTC.
Ipinaalala din niya ang tatahaking landas ng buong EPC patungo sa ika-75 anibersaryo ng DBTC. Sinundan ito ng opisyal na ilululok ang mga Direktor, Opisyales, at mga lider na mag-aaral.